Ito Ang Gusto Ko Lyrics
By Francis Magalona
MAbuhay ng maayos at lubos
magbigay sa kapwa magmahal ng taos
gusto ko tikman ang sarap ng buhay
hawakan ang bukas sa aking mga kamay
makita “alin?” makita “alin”
makita ang liwanag sa gitna ng dilim
Ayoko sa dilim nagdidilim ang paningin
ang kalayaang inaasam ay ibigay mo na sa akin
Ang buhay makulay ang kulay mabuhay
Ang luha’y ialay sa mgu buhay ng hinalay
ang buhay natin di kayang hamakin ipagtangol ang karapatan natin
KAtarungan
ito ang gusto ko
kalayaan
ito ang gusto ko
KApayapaan
ito ang gusto ko
karapatan pang tao
ito ang gusto ko
kalikasan
ito ang gusto ko
kabataaan
ito ang gusto ko
kaibigan
ito ang gusto ko
gusto ko lasapin ang tamis ng panahon
maniwala nakikita mo ba ang kahapon
ayoko mawalan ng pag asa
gusto ko ng masasayang ala-ala
sama sama sari sari sabay-sabay sabay sumasakay sa gulong ng buhay
mapa itaas o mapa ilalim ang tao ay nagtitipon wag tumakbo ng matulin
relax ka lang wag kumilos ng madalos kumilos ng maayos at umiwas ka sa galos
iisa lang ang ating katauhan bigyan kahulugan ang kasalukuyan
karangalan
ito ang gusto ko
kalusugan
ito ang gusto ko
sa buhay kong ito
ito ang gusto ko
kagitingan
ito ang gusto ko
kasipagan
ito ang gusto ko
kapatiran
ito ang gusto ko
sa buhay kong ito
ito ang gusto ko
yeah!
LANDO Lyrics
(OPM Song & Lyrics)
Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim
Di ka hahayaan na muli pang masaktan
Wag ka nang matakot sa dilim
Ito ay kwentong hango na galing sa dalawang taong
Nagmamahalan ng tunay ang ngala’y Elsa at Lando
At kahit parang pagkakataon ay nakakandado
Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado
Ng buhay ni Lando ay di nalalayo sa marami
Sinunog ng araw ang kulay ng balat at marami
Ng galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa
Upang ang gutom ay di na masuklian pa ng luha
Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana
Ngunit kabilang sa pamilya na di alintanang
Makipagkapwa-tao sa mga tulad niyang dukha
Gayon pa ma’y patuloy ang pagmamahal na pinula ng pagibig
Repeat Chorus
Kahit na ano pang bagay ang pilit na ihadlang
Sino man ay walang makakapigil sa paghakbang
Ng mga paa na ang nais ay marating ang ligaya
Niyayang magtanan di nag-atubili na sumama
Hawak ang pangarap at pangako sa isa’t isa
Nagpakalayo-layo di namuhay na may kaba
Dahil alam nila na sa bawat isa’y nakalaan
At ang pagmamahalan tangi nilang sinasandalan
Wala ng ibang bagay pa silang mahihiling
Kundi isang pamilya sa loob ng apat na dingding
At isang bubong na maaaring tawaging tahanan
Bakit may pangit na kabanatang kailangang daanan pa
.
Repeat Chorus
Isang gabi na Huwebes lumubog na ang araw
Doon tayo magkita pasalubong ko’y siopao
Upang ating paghatian pagdating ng hapunan
Meron palang nakaabang sa amin na kamalasan
Eskinita sa Ermita may sumaksak kay Elsa
Sa tagiliran isang makalawang na lanseta
Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka
Kami’y mahirap lamang bakit di na siya naawa
Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal
At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal
Bakit po bakit po ang laging lumalabas
Sa ‘king bibig palaboy-laboy ni walang landas
Akong sinusunod baliw sa mata ng marami
Siguro nga di ko na kilala aking sarili
Pangala’y taong grasa may patalim na gamit
At ang tanging alam ay isang malungkot na awit
At ang sabi
Repeat Chorus
Wag ka nang matakot sa dilim