IKAW NA NGA Lyrics
(OPM Song & Lyrics)
Ikaw, ikaw na nga sinta
Wala na ngang iba akong hahanapin
Lahat sa’yo ay maganda
Ikaw, ikaw na nga sana
Pangarap ko’y wala ng iba
Kung di ang makasama
Makapiling ka sa habang panahon
Kahit na lumuha pa
Hindi ako nagsasawa basta kasama ka
Magtitiis ako kahit na mahirapan pa
Ito’y asahan mo, pangako ko
Ikaw, ikaw ang buhay ko
Lahat ng ito’y para sa’yo
Ano man ang kailangan mo
Sabihin mo at pipilitin kong maibigay sa’yo
Kung kinakailangan mo pati ang buhay ko
Ito’y handa kong ilaan para lamang sa’yo
Pinapangako ko, ito’y asahan mo
[Chorus]
Mahal ko ay ikaw
Oo, ikaw na nga
Wala na ngang iba
Wala na ‘kong ibang hahanapin pa
Oo, ikaw
Ikaw na nga, sinta
Sana’y ikaw
Kung kinakailangan mo pati ang buhay ko
Ito’y handa kong ilaan para lamang sa’yo
Pinapangako ko, ito’y asahan mo
[repeat Chorus]
MINSAN LANG Lyrics
(OPM Song & Lyrics)
Nandito, nag-iisa, walang makasama
Walang oras na di kita naiisip
Nagtatanong sa sarili kung bakit nasasaktan
Pipilitin maging masaya para sa ‘yo
Pipikit na lamang, umaagos ang luha
Ayokong marinig na di ka pala para sa akin
[Chorus]
Ayokong marinig sa ‘yo
Na di mo na ako kailangan
Totohanin mo naman ako
Kahit minsan lang
Nandito, nag-iisa, kausap ang sarili
Kakayanin ko ba ngayon na wala ka
Pipikit na lamang, di mapigilang lumuha
Ayokong isipan ka, hindi mo naman maintindihan
[repeat Chorus]
[Chorus 2]
At ayoko na sabihin mo
Wala ka ng pakialam
Kailangan bang masaktan
Wala ka bang nararamdaman
Ayokong marinig na di ka pala para sa akin
[repeat Chorus 2x]
[repeat Chorus 2]
MANHID Lyrics
(OPM Song & Lyrics)
Kailan ka kaya susuko
Sa puso kong sumasamo
Sa iyong mala-batong damdamin
Di naman nagbibiro
Bat palagi ka na lang lumiliko
Twing ika’y tinatanong laman ng iyong puso
[Chorus]
Kailan kaya muling magigising
Ang puso mo na walang pinapansin
Kailan kaya muling magigising
Ang puso mo na walang pinapansin
Manhid
Pano mo matitikman ang langit
Kung palagi ka na lang nakapikit
Sa mga inihayag kong pag-ibig
Wag na tayong magpaligoy-ligoy pa
Puso nating dalawa’y nag-iisa
Kaya wag mong tanggihan ang nararamdaman
[repeat Chorus]
[repeat Chorus]
Manhid
HIMALA Lyrics
(OPM Song & Lyrics)
Pangarap ko’y makita kang
Naglalaro sa buwan
Inalay mo sa akin ang
Gabing walang hangganan
[Refrain]
(Hindi mahanap/di mahagilap) sa lupa ang pag-asa
Nakikiusap (na lang/sa buwan)
[Chorus]
Himala, kasalanan bang
Humingi ako sa langit ng isang himala
Kasalanan bang
Humingi ako sa langit ng isang himala
Pangarap ko’y makita ang
Liwanag ng umaga
Naglalambing sa iyong mga mata
[repeat Refrain and Chorus]
[repeat Refrain and Chorus]
KUNG MAIBABALIK KO LANG Lyrics
(OPM Song & Lyrics)
Sayang ang mga sandaling pinalipas ko
Na’ron ka na, bakit pa humanap ng iba
Ngayon, ikaw ang pinapangarap
Pinanghihinayangan ko ang lahat
Bakit ba ang pagsisisi laging nasa huli
Ang mga lumipas di na maaaring balikan
Sayang, bakit ako nag-alinlangan pa
Tuloy ngayo’y lumuluha at nanghihinayang
[Chorus]
Kung maibabalik ko lang ang dati mong pagmamahal
Paka-iingatan ko at aalagaan
Kung maibabalik ko lang ang dating ikot ng mundo
Ang gusto ko ako’y lagi na lang sa piling mo
Sayang, bakit ako nag-alinlangan pa
Tuloy ngayo’y lumuluha at nanghihinayang
[repeat Chorus]
Kung maibabalik ko lang ang dating ikot ng mundo
Ang gusto ko ako’y laging nasa piling mo
MAY TAMA AKO Lyrics
(OPM Song & Lyrics)
Nagtanong ka pa wala namang epekto
Labas-pasok sa tenga mo kahit anong sabihin ko
Wag na tayong magsayang pa ng laway
Sige na mali na ako ayoko lang ng away
Refrain:
Pero teka lang may sasabihin sana
Kung pwede bang manahimik ka muna
Chorus:
Walang saysay ang sinasabi kaya’t hindi mo mawari
Kung iimik pa ba o mananahimik na lang
At sa tuwing nagpapaliwanag pakinggan mo naman ito
Akala mo’y ikaw lang ang marunong tumama
Paminsan-minsan tama rin ako, may tama rin ako
Nagtanong ka pa wala namang silbi
Wala ka kasing pakialam sa aking sinasabi
Sa susunod wag ka ng magtatanong
Kung may sagot ako o wala parehas rin yun
[repeat Refrain and Chorus]
May tama rin ako
Nag-iisang pag-ibing ang nais makamit
Yun ay ikaw
Nag-iisang pangako na di magbabago
Para sayo
[Refrain]
San ka man ay sanay maalala mo
Kailan man asahan, di magkalayo
[Chorus]
Tanging ikaw lamang ang aking iibigin
Walang ibang hiling kundi ang yakap mo’t halik
Hindi malilimutan, mga araw natin
Kay sarap balikan
At lagi mong isipin, walang ibang mahal
Kundi ikaw
Malayo ka man ay sanay maalala mo
Kailan man pangako, di magkalayo
[repeat Chorus]
[repeat Refrain]
[repeat Chorus 2x]
Tanging ikaw lamang ang aking iibigin