1 Day Lyrics
By Gloc-9
Biyernes ng umaga
Paggising ko pasok sa ’skwela
Nalilito, may exam ngayon
Napipikon, ‘di ko malaman kung sa’n ako lilingon
Para makakuha ng sagot
Kapag bumagsak, ako’y malalagot
Kay ermat, erpat, sipa, tadyak
Ilabas ang kodiko, baka makalusot
Sa teacher kong apat ang mata
Nakasalaming kasing kapal ng tabla
Palakad-lakad, lapad lapad
Buti na lamang ako nama’y nakapasa
Kung hindi mapipilitan nanaman akong ulitin ang lahat ng mga pangyayare
Katulad ng minsan ako ay nag biyahe
At nakilala tong malupit na babae
Sa may qc pangalan ay debbie
Nag-aabang sya ng taxi
Tinitigan ko sya ng mata sa mata
Sinabi kong you look lonely
Do you wanna go somewhere, plak!
Nagka-bituin ang aking paningin
Bumakat ang kanyang kamay sa ‘king mukha
Pagkatapos akong sampalin
Pero ngumiti s’ya
May kinuha sa bag at sinabing pwede ko daw ba syang matawagan
Kaya binigay nyang kanyang calling card sa ‘kin
Na animo’y parang humahalik sa hangin
Kaso lang, napagkamakalan kong calling card nya na ticket ng bus
Naitapon kong kasama ng isang baso ng juice
Sinubukan kong hanapin don sa may sta. cruz
At baka sakali na ang landas namin ay mag krus
Kaya pumasok ako sa isang eskinita
At tinanong ang kauna-unahan na nakita
Dahil baka sakaling kanyang nakikilala
Ang babaeng animo sa ‘kin ay isang diwata
Manong, nakikilala n’yo pa ba sino ba ‘yon
Ano nga bang pangalan nya, teka, girlie ba ‘yon
Oo, kanina pa naghihintay sa ‘yo doon
Lapitan mo, hayon nakaupo sa may balon
Eto ba sya, bakit parang hindi yata ito
Maganda sya kaya sige, napasubo ako
Teka lang, teka muna, ako’y litung-lito
Nangyayari lang ‘to sa mga guni-guni ko
Na para bang nagmamaneho ng isang bagung-bagong auto
Marami nang pera, nanalo pa sa lotto
Walang kumakalaban at lahat bumibilib
Hindi naghihintay, hindi naiinip
Teka lang, mabalik tayo sa kabilang kwento ko
Habang naglalakad ay nakasalubong ako ng hip hop na metal
Punkistang bungal, natapilok kaya na-shoot sa kanal
Tinulungan ko, kawawa naman kasi
‘di na nya makita limang pisong pambili
Ng suka na gagamitin ng kanyang inay
Para may sawsawan ang kanyang masibang itay
Salamat ha, ang bait mo pala
‘pag dating sa kanila
Ako lang ang ‘di pinakilala sa kapatid nyang si girlie
At sa pinsang si debbie
Gulung-gulo at ako ay hindi mapakali
Para bang ang lahat ng mata’y sa ‘kin nakatingin
At hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin
Kasi ba naman parang walang malabong nangyari
Sa ‘min nitong mga kaharap kong panalong babae
Alay Ko Lyrics
By Gloc-9
Di ko naisip na ako’y magbabalik na may bagong tunog
Na alay ko sayo.
Tanging nais lang ay mapakinggan ang awitin ko
Na alay ko sayo.
[Carlos:]
Ang awitin kong ito nais ko sanang ialay
Sa mga taong sa kin may galit na di ko kaaway
Hindi ko kaaway ibig sabihin di ko kilala
Pero parang sa di nya pag sikat ako ang may sala
Kaya basa tuwing aawit sa kin banat ng banat
Ay dahil sa wala ka namang talgang maisulat
Kaibigan nais ko lang gawin ang aking pangarap
At wala kong kasalanan kung sayo’y di mo mahanap.
[Chorus:]
Di ko naisip na ako’y magbabalik na may bagong tunog
Na alay ko sayo.
Tanging nais lang ay mapakinggan ang awitin ko
Na alay ko sayo.
[Carlos:]
Mula pa nong pag kabata nagsimula ng mangarap
Larawan ng aking idolo ang palagi kong hawak
At tulad mo gabi gabi ako rin nananalangin
Ng katuparan sa aking hiling ay mapasaakin
Subalit , di ko maisip at di maunawaan di maliwanagan
Kung bakit gusto mo kong pigilan kaibigan nais ko lang gawin ang aking pangarap
At hindi ko kasalanan kung sayo’y di mo mahanap.
[Chorus:]
Di ko naisip na ako’y magbabalik na may bagong tunog
Na alay ko sayo.
Tanging nais lang ay mapakinggan ang awitin ko
Na alay ko sayo.
[Gloc 9:]
Teka ako muna babanat bago ka tuluyan na magsalita
Bunutin mo muna yang plug ng mikropono baka pwede mo munang ibaba
Sa kin makinig, di ko lang malaman ang yong dahilan kung saan ba talaga pinagmulan
Mga galit ang iyong nararamdaman medyo malabo dahil di mo naman ako kilala
Puro na lang sabi ng sabi sinungaling mong labi mga salita hinahabi simula ng akoy nag hari
Dahil ba sa di mo tlaga ma-sabayan ang mga salita na
Sinulat ayaw mo kapag may iba, inggit ka siguro aminin muna
Hwag kang manira ng tao dahil alam mo sa ngayon ay naroon sa taas
O punahin ang putik sa paa ng iba, dahil baka ikaw ang madulas
Sige tingnan mo , isipin mo kung meron kang naitulong sa min’
Kung bakit narito kami ngayon, kaya ka lamang namin nakikita e dahil
Marunong pa rin naman kaming lumingon sa may pinanggalingan.
[Chorus:]
Di ko naisip na ako’y magbabalik na may bagong tunog
Na alay ko sayo.
Tanging nais lang ay mapakinggan ang awitin ko
Na alay ko sayo.
Martilyo By Gloc-9
Dito sa amin kung san nang galing
Mga makatang ulam at kanin
Lamang ang bayad pero pumapayag
Upang masubukan at mapatunayan…
Lagi mong tatandaan
Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo
Huwag mong palalampasin ang pagkakataon
Kailangang pukpokin ang pako para bumaon
Narito nang muli ang isang taong
Di nag atubili na aking mabago ang
Yong pag tingin sa mg ataong humahawak ng
Mikropono kahit maputik ay humahakbang
Lumalakas sa bawat pawis na pumapatak
Bawat tinog ng palakpak sakiy tumatatak
Pero di tumaas akong mga paa
Nakatutong sa lupa dahil alam ko na
Akoy nasa pinas may pila sa bigas
Ilan lang ang sikat na bulsa’y di butas
Para di mautas dapat ay matigas
Ang yong muka kahit panoy matikman ang
Katas Ng ubas ang problemay lutas
May maayos na tela maong di kupas
Ang sabi mo sakin Ay hindi ko na makakaya
pang Habulin Mga pangarap
Ay ipunin At pagkatapos Ay higupin
Higupin ng higupin
Parang baso na may yelo
Iilang salita pa ba ang dapat kong banggaitin
na laging bumebwelo
Bueno
Yaman din lamang na akoy narito na sige
Pakinggan ang mga bagong nasulat kong
kanta
Lagi mong tatandaan
Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo
Huwag mong palalampasin ang pagkakataon
Kailangang pukpukin ang pako para bumaon
Hindi mo kayang pigilan
Hindi mo kayang galusan
Ang puso kong balot sa bakal
Na patuloy patuloy
Sa pag tibok
Humihinga kahit amoy bulok
Walang tigil sa pag subok
Kahit parang gabuhok
lang ang posibilidad
Mula sa murang edad sa pawis laging babad
Kumakayod sa syudad
Akinse o atrenta kilo o delata
Kanin na mas mura pa ang cd na pirata
Ng bata na si pollisco
Si gloc ba kamo mismo
Bawat plema ng pangngutya ay tiniis ko
Listo pa rin kahit na inaantok
Baka may mapaginipan akong kanta
na patok
Sa masa na para bang itoy nag sisilbing
pang lunas
Di maalis parang sibuyas kahit na ikay mag
hugas kamay
Gamit ang baretang sabon ni inay
Bawat salitang ginagamit ang isip moy
tinatangay
Ng tula ko tandaan wala pang nagbabago
Pag pinalo ng martilyo lulubog ang pako
Dito sa amin kung san nang galing
Mga makatang ulam at kanin
Lamang ang bayad pero pumapayag
Upang masubukan at mapatunayan
Lagi mong tatandaan
Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo
Huwag mong palalampasin ang
pagkakataon
Kailangang pukpokin ang pako para bumaon
The Bobo Song lyrics
Gloc-9 (feat. Loonie of Stickfiggas)
Ang pinilakang tabing na sariling atin
Natabunan ng mga telenovela na pinilit lang ang dubbing
Walang palabas at mas madalas mag patalastas
Sa aming telebisyon biglang inisip ko ang aking
Kinabukasan na parang inihip lang ng hangin
Ako ay pilipino sa isip at sa damdamin
Pero bakit ka mahilig sa chinito at chinita
Dramathon sa hapon kasama si tito at si tita
At kuya at si ate at katulong na parating natutulog
Pag malapit na maluto ang sinaing
Huminahon ka itay baka ka mabulunan
Sa laki ng binayad ko wala kong natutunan
Ni kapiranggot mula nung unang baitang
Pumapasok lang ako para mangutang kay maam
Ng pambili ng kanin, chicken adobo
Araw-araw ganito nakaka-bobo
[Chorus]
Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
[Verse 2]
Pulitiko na sa showbiz posible na pala
Ang dami nang artista sa pulitika pa nga
Bobo, inutil, walang pinag-aralan
Hangal, hung-hang sino bang pinagmanahan
Uto-uto, sunod-sunuran sa kung anong makita ng mata
Upang mapansin ka ng madla
Para masabi lang na in ka sa mga pormang petmalu
In da loop sa chika chuvanes ke churva eklavu
Mga chismis na nahuli na nang isang dekada
“richard gomez at lucy torres sila na nga ba?”
Naku itong starlet na ang suso lumabas
Wag na wag mong ililipat susunod na sa the buzz
Wo-wo-wee sinong di mawiwili
Makakakita ka nang mga natapakan sa tv
Habang kinakain mo yung kanin, chicken adobo
Ayoko ng ganito nakaka-bobo
[Chorus]
Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Takot kang magtanong takot kang magpaulit
Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit
Takot kang magtanong takot kang magpaulit
Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit
Kala mo alam mo to kala alam mo yan
Kala mo porket tagalog puro lang kabaduyan
Kala mo porket mahirap ka hanggang dyan ka na lang
Kala mo alam mo na lahat wala ka pang alam
[Verse 3]
Kasi lahat ng nakikita mo akala mo tama
Maghapon ka sa tv mo na nakatunganga
Nakapangalumbaba simula pa nung bata
Di naman importanteng magpakadalubhasa
Ang sakin lang naman ikaw ay malinawan
Wag na wag mong gawing dahilan ang kahirapan
Maniwala, pero wag umasa sa himala
Wala pang nananalo sa lotto na di tumataya
Kaya palayain mo ang utak mong nakakulong
Mas masahol pa sa bobo ang bobo nagmarunong
Kung ang pag-iisip para sayoy nakakangawit
Ibenta mo ang utak mo kung di mo ginagamit
Wag kang magalit kung laman ng bao ay ampao
Pilipino lang ako pag nananalo si pacquiao
Pag narinig ko yung kanin, chicken adobo
Nakaka-indak kahit nakaka-bobo
[Chorus]
Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko nakaka-bobo
Kahit nakapikit ako nakaka-bobo
Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Takot kang magtanong takot kang magpaulit
Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit
Takot kang magtanong takot kang magpaulit
Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit
Kala mo alam mo to kala alam mo yan
Kala mo porket tagalog puro lang kabaduyan
Kala mo porket mahirap ka hanggang dyan ka na lang
Kala mo alam mo na lahat wala ka pang alam
Nakaka-bobo (2x)
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Nakaka-bobo (2x)
Nakaka, nakaka, nakaka-bobo